SPAGHETTI PASTA with ROASTED BELL PEPPER, HAM & BACON
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Evaporated milk (red label)
1 cup Cheese Wiz
1 cup grated Cheese
250 grams Bacon (cut into small pieces)
250 grams Ham (cut into small pieces)
1 pc. large Red Bell Pepper
1 pc. large Green Bell Pepper
1/ 4 cup Butter
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. Huwag i-overcooked.
2. I-ihaw ang red at green bell pepper hanggang sa malanta lang ng bahagya ang mga ito. Alisin ang mga sunog na part o balat. Hiwain ng pa-cubes.
3. Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Isunod na agad ang bacon, ham at ang inihaw at hiniwang bell pepper.
5. Ilagay na din ang evaporated milk at cheese wiz at timplahan ng asin at paminta.
6. Kapag medyo kumulo na, ilagay na ang all purpose cream. Hinaan na lang ang apoy.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. patayin na ang kalan.
8. Ihalo ang pasta noodles sa ginawang sauce. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
9. Isalin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese.